Sumabak sa isang seminar ang lahat ng PWD Presidents mula sa iba’t ibang barangay sa bayan, ang “Empowering PWD Presidents: Mentoring Program on Business Development,” bilang bahagi ng 47th National Disability Rights Week na inorganisa ng Persons with Disability Affairs Office sa pamumuno ni Disability Officer Johnson R. Abalos.
Ito ay sinimulan noong July 16, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, at nakatakdang magtapos bukas, July 17.
Ang seminar ay dinaluhan nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Municipal Vice Mayor, Dr. Ian Camille C. Sabangan, at MSWD Officer Kimberly P. Basco.
Ang pagsasanay ay naglalayong hubugin ang kaalaman ng mga PWD sa larangan ng entrepreneurship, marketing, product development, at legal na pagpaparehistro ng negosyo, upang kanilang maibahagi at maisulong ang mga natutunan sa kanilang mga organisasyon.
Kabilang sa mga naatasang maging resource speaker sina DSWD-RFO1 Sustainable Livelihood Program Project Development Officer Laarni Cabatbat, Business Development Sales Officer Marc Cuario, at LGU-Bayambang Business Permit and Licensing Officer Mary Grace Agas.
Kanilang tinalakay ang mga paksa na nakatuon sa social preparation, values formation, social responsibility, socio-economic well-being, sustainable livelihood for vulnerable sectors, accountability and responsibility, entrepreneurial mindset, SWOT analysis, branding, pricing, digital marketing, at business registration.
Sa aktibidad na ito, inaasahan ang pagtaas ang antas ng kabuhayan ng mga PWD na Bayambangueño, dahil sa paglakas ng kanilang kakayahang pinansyal, pagbukas ng mas maraming oportunidad na makapagsimula ng sariling negosyo, at pagiging mas independente.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, patuloy ang LGU-Bayambang sa pagbibigay ng mga programang nakatuon sa inklusibong pag-unlad kung saan ang bawat Bayambangueño, anuman ang kakayahan, ay may pagkakataong umasenso. (KB/RSO; JMB)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka







