Burial at Medical Assistance, Ipinamahagi ni Mayor Niña sa mga Indigent Beneficiaries

Salamat sa tulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng Mayor’s Action Center, hindi na mamumrublema ang daan-daang indigent na Bayambangueño sa kanilang burial expenses para sa kanilang namatay at sa kanilang medical expenses para sa maysakit na kaanak.

Sa ginanap ang payout noong May 29, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, tinanggap ng 341 sa mga dumating na claimants ang ayuda na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P500,000 mula sa pondo ng MSWDO para sa financial assistance, ayon sa ulat ni MAC head Josie E. Niverba.

Tumulong sa distribusyon ang Treasury staff. (VMF/RSO; JMB)

#TotalQualityService

#Niñaarotaka