Ang buong puwersa ng LGU-Bayambang ay nakasuporta sa Commission on Elections (COMELEC) sa pagsasagawa nito ng local at national elections 2025 sa lahat ng polling precinct sa iba’t-ibang eskwelahan sa lahat ng barangay kung saan ginanap ang halalan.
Mula sa preparatory meeting at coordination meeting na isinagawa ng COMELEC, DILG, at MDRRM Council kasama ang Treasury at ICT Office, hanggang sa masusing pagbabantay ng Highway Public Assistance Desk (PNP, BFP, BPSO, MDRRMO), medical aid stations (mga RHU), solid waste collection (ESWMO), distribusyon ng mga election supply at paraphernalia (Treasury, PNP, AFP), security detail/police visibility, at Operation Baklas (MDRRM Council Members, lalo na ng ESWMO), walang tigil ang mga departmento at ahensya sa pagbibigay serbisyo publiko, kahit sa mga araw na opisyal na walang pasok.
Ito ay para lamang masiguradong maging ligtas, malinis, tapat, at mapayapa ang halalan sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at mabilis na pagtugon sa anumang pangangailangan. (RSO; photos: MDRRMO)