Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang pamamahagi ng 269 na mga bagong printer sa mga pampublikong paaralan sa Bayambang noong May 6, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.
Layunin nito na mapalawig pa ang kalidad ng edukasyon sa bayan, at isa lamang ito sa pinakahuling uri ng pagsuporta ng administrasyong Quiambao-Sabangan sa sektor ng edukasyon.
Ipinaala rin na ang mga school equipment na ito ay direktang bunga nang nalilikom na buwis sa bawat mamamayang Bayambangueño na siyang nagdudulot ng mga positibong pagbabago at nagbibigay ng ibayong motibasyon sa mga mag-aaral upang sila ay makapagtapos ng pag-aaral. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: JMB)