Buklat Aklat, Nagpatuloy sa Tatarac-Apalen ES

Ang ‘Buklat Aklat’ project ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pagtutulungan ng Local Youth Development Office, Sangguniang Kabataan, at Bb. Bayambang Foundation, ay nagpatuloy sa Tatarac-Apalen Elementary School noong  December 2, 2024.

Ang team ay winelcome ni Tatarac-Apalen ES Principal I Elvira Agbuya.

Naging guest storyteller ang businessman/entrepreneur na si Mr. GP Geronilla.

Naroon sina Atty. Rodelynn Rajini Sagarino Vidad, SK members ng Brgy. Tatarac at Brgy. Apalen, Tatarac-Apalen ES teachers, at Bb. Bayambang 2024 Reign Joy Lim. (RSO; LYDO)