“Buklat Aklat,” Inilunsad ng LYDO

Noong  ika-6 ng Nobyembre, 2024, unang pinakilala ng Local Youth Development Office sa Alinggan-Banaban Elementary School ang paglulunsad ng Buklat Aklat initiative, bilang parte ng pagdiriwang ng 2024 National Children’s Month.

Ito ay isang programa na naglalayong mapabuti ang reading comprehension ng mga struggling students sa lahat ng public elementary schools at upang mapataas ang literacy rate sa bayan ng Bayambang, sa tulong ng SK Bayambang, BPRAT, Municipal Library, MTICAO, at Binibining Bayambang.

Mainit naman ang pagsalubong ni Alinggan-Banaban ES Principal II, Mrs. Fe Balbin, sa Buklat Aklat team, kasama ang mga guro ng Alinggan-Banaban ES, mga magulang ng mga participating students, at ang mga Baranggay at SK officials ng Amanperez, Alinggan, at Banaban. Nagagalak ang eskwelahan dahil kasama sila sa unang batch ng sampung paaralan.

Sa maikling programa, dumalo sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at Sangguniang Kabataan Federation President Marianne Cheska Dulay, Municipal Librarian, Atty. Melinda Rose Fernandez, limang Binibining Bayambang representatives, at ang guest storyteller na si Engr. Zerex Terrado bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Nagkaroon din ng tour sa Buklat Aklat bookshelves bilang parte ng proyektong ito, kung saan ang lahat ng pampublikong paaralang elementarya sa Bayambang ay malalagyan ng kani-kanilang reading corner.

Dahil sa inisiyatibang  Buklat Aklat, mahihikayat ang mga mag aaral na magbasa ng mga aklat at mas mapapalawak ang adhikain ng ating pamahalaan na mabigyan ng dekalidad na serbisyo sa edukasyon.

Ang tutorial program a magtatagal ng 10 linggo. (SJGG/RSO/RHOB; JMB)