Bugoy Drilon, Pinakinang ang LGU Employees’ Night ’25

Tunay na mangkirlap at magaygayaga ang Municipal Plaza nang magpaulan ng kasiyahan at pananabik ang special guest OPM hitmaker na si Bugoy Drilon kasabay ng masiglang pagdiriwang ng LGU Employees’ Night, noong ika-2 ng Abril 2025.

Naghandog si Bugoy ng isang hindi malilimutang setlist na pinangunahan ng kanyang signature hit na “Paano na Kaya.” Sinundan ito ng emosyonal na kanta ng “Muli” at ang heartfelt performance ng “‘Di Na Bale.” Pinalalim pa niya ang gabi sa awitin niyang “Hilom,” na bahagi ng kanyang upcoming album.

Dagdag pa rito, napa-sing-along ang mga empleyado ng LGU sa kanyang bersyon ng “Nothing’s Gonna Change My Love for You.” Ibinahagi rin niya ang kanyang pinakabagong cover na “When She Cries,” na ni-release niya noon lamang nakaraang buwan. Pina-indak naman niya ang crowd sa masiglang kantang “Baby I Love Your Way” at “Believe.”

Nagsilbing grand finale performance ni Bugoy ang “One Day,” na muling nagbigay-buhay sa diwa ng kasiyahan.

Mula sa mga kilig na ballad hanggang sa mga kantang puno ng emosyon, hindi naging madali para sa mga manonood na manatili sa kanilang mga sariling upuan. Sa pagtatapos ng LGU Employees’ Night 2025, naging isang hindi malilimutang gabi ang espesyal na okasyong ito para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Bayambang. Ang makulay na pagtatanghal ni Bugoy Drilon, na naghatid ng mga kilig at emosyonal na awitin, ay nagbigay sigla at saya sa lahat ng dumalo.

Ang naturang pagdiriwang ay nagsilbing pagkakataon para sa mga empleyado na magpahinga at magsaya, matapos ang kanilang mga tungkulin sa bayan na magbigay ng Total Quality Service sa mga Bayambangueño.

Sa dulo ng kanyang pagtatanghal, nagpasalamat si Bugoy sa mainit na pagtanggap mula sa mga empleyado, na nagdagdag pa ng positibong enerhiya at kasiyahan sa buong plaza. Ang matagumpay na event ay muling nagpatibay sa halaga ng pagkakaisa at ang pagpapahalaga sa mga lingkod-bayan ng Bayambang.

Isinulat ni: Vernice Mae P. Calaunan, Mielcher DC. Delos Reyes, and Cris Maxim M. Viernes

Mga Larawan ni: Raxle D. Mangande, Artemus Clyde De Guzman, Euro S. Gumahin, Ace Gloria

Iniwasto ni: Mr. Frank Brian S. Ferrer

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaaroTaKa