Nagsagawa muli ang Sangguniang Bayan ng isang committee hearing noong April 18, 2024, ukol sa Annual Budget at Annual Investment Program (AIP) ng mga Barangay at mga Sangguniang Kabataan para sa Calendar Year 2024, at ito ay ginanap sa SB Session Hall, Legislative Building.
Ito ay dinaluhan ng mga Punong Barangay at SK Chairperson, kasama ang kanilang Barangay Council Members. Tinalakay naman ang iba’t-ibang ang mga prayoridad na programa at proyekto para sa kanilang barangay na paglalaanan ng kani-kanilang taunang budget.
Dito ay inaprubahan ang dalawang resolusyon:
1. Resolution Declaring the Annual Budget and Annual Investment Program (AIP) for Calendar Year 2024 of the Following Barangays: Nalsian Norte, Nalsian Sur, Manambong Sur, Inirangan, Zone II, Bical Sur, Duera, Dusoc, Zone V, Iton, Pugo, Tambac
2. Resolution Declaring the Annual Budget and Annual Investment Program (AIP) for Calendar Year 2024 of the Following Sangguniang Barangays: Amanperez, Tampog, Sanlibo, Tococ East, Ligue, Macayocayo, Apalen, Buayaen, Zone I, San Gabriel 1st, Bongato East, Alinggan
Ang pagdinig ay pinangunahan nina SB Committee on Finance, Budget, and Appropriations Chairman, Konsehal Philip R. Dumalanta, SK Federation President Marianne Cheska Dulay, SB Committee on Rules, Laws, and Ordinances Chairman, Konsehal Amory M. Junio.
Naroon din sina Liga ng mga Barangay OIC President, Rodelito F. Bautista, Konsehal Benjie de Vera, Konsehal Jose S. Ramos, Konsehal Martin E. Terrado II, Konsehal Mylvin T. Junio. (nina Vernaliza M. Ferrer, Angelica Arquinez/ RSO; larawan ni: Ace Gloria)