Budget Forum para sa FY 2025, Idinaos ng MBO

Upang higit pang mapalakas ang tapat, epektibo, at de-kalidad na serbisyo para sa mga Bayambangueño, nagsagawa ang Municipal Budget Office (MBO) ng isang budget forum para sa fiscal year 2025 nitong Hulyo 30, 2025 sa Mayor’s Conference Room.

Pinangunahan ni Auralou Valdez, staff ng MBO, ang presentasyon ng mga pangunahing usapin hinggil sa pampinansyal na direksyon ng bayan.

Kabilang sa mga natalakay sa forum ang Public Financial Management, Local Budget Memorandum No. 92, Revenue Trends and Estimates, Local Budget Circular No. 63, at mga kaugnay na patakaran sa local finance.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maayos na budget preparation process, kabilang ang timeline ng key activities, mga technical reminder, at ang paghahanda para sa nakatakdang budget hearing, upang masiguro ang organisado at transparent na pamamahala ng pondo ng bayan.

Ang makabuluhang diskusyon ay nilahukan ng mga pinuno at kinatawan ng mga departmento mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lokal, na siyang katuwang sa pagtutok sa mga prayoridad na proyekto at serbisyong bayan. (WMC/RSO; AG)