‘Bright Smiles, Bright Futures’ para sa Batang Bayambangueño!

Bilang pakikiisa sa adbokasiya para sa mas malusog na ngipin ng bawat bata, ang Local Government Unit ng Bayambang, sa pangunguna ng Municipal Health Office, ay nakipag-partner sa Colgate-Palmolive Philippines, Inc. para sa nationwide oral health initiative na ‘Bright Smiles, Bright Futures’ program.

Isang libong toothbrush at toothpaste ang ipinagkaloob ng Colgate-Palmolive para sa mga learner ng lahat ng Child Development Centers ng Bayambang. Ang donasyon ay opisyal na tinanggap ni Dr. Dave Francis Junio, Municipal Dentist, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa “malusog na ngipin at maliwanag na kinabukasan” ng bawat batang Bayambangueño.

Ang tulong na ito ay malaking suporta sa patuloy na mga oral health program ng bayan at nagpapalakas pa lalo sa ating adbokasiya na turuan ang mga bata ng tamang mga oral hygiene habit habang sila’y bata pa, upang masigurong ang bawat batang Bayambangueño ay lumaking may malusog na ngipin.

Lubos ang pasasalamat ng LGU-Bayambang sa Colgate-Palmolive Philippines, Inc. sa kanilang buong-pusong suporta at dedikasyon para ang kinabukasan ng mga batang Pilipino ay may ngiting tagumpay. (DFJ/RSO; DFJ)