Brigada Eskwela Packages, Ipinamahagi Na!

Hindi na kailangang isipin pa ng mga guro ang gagamitin sa paglilinis sa kanilang mga paaralan at mga silid-aralan dahil  nagsimula na si Mayor Niña Jose-Quiambao na magpamahagi ng mga Brigada Eskwela package 57 na pampublikong paaralan sa elementarya at sekundarya.

Ang kada Brigada Eskwela package ay naglalaman ng:

– 99 na 6-liter semi-gloss latex paint

– 138 na 4-liter roof guard (roof paint)

– 156 na 1-liter blackboard paint (green)

– 156 na 2 1/2″ paint brush

– 156 na roller brush

Ang panimulang distribusyon ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center.

(VMF/RSO; AG)