Ang Department of Agriculture-Agricultural Training Institute-Regional Training Center 1 (DA-ATI-RTC 1) ay nagsagawa ng One-Day Rice Crop Manager (RCM) Briefing noong July 18, 2024, sa Mayor’s Conference Room.
Layunin ng aktibidad na turuan ang ating mga magsasaka ng palay ukol sa Rice Crop Manager. Itinuro rin dito ang paggamit ng isang mobile application kung saan maaaring kumonsulta ang mga magsasaka ukol sa mga problema ng kanilang pananim na palay.
Dalawampu’t limang (25) lokal na magsasaka ng Bayambang ang nakilahok sa RCM Briefing. Ito ay isinagawa sa tulong nina Domife Garcia, Jhon Sedrick T. Roncal, at Ralph Marco I. Cabrera ng DA-ATI. (RSO, MAO; AG, MAO)