Briefing at Entrance Meeting ukol sa SLP Implementation, Isinagawa ng DSWD

Nagsagawa ang DSWD ng isang Briefing at Entrance Meeting para sa regular na implementasyon para-CY 2024 ng Sustainable Livelihood Program. Ito ay ginanap noong  ika-8 ng Pebrero 2024, sa RHU1 Conference Room.

Naroon ang lahat ng miyembro ng SLP Technical Working Group na Municipal Links mula sa DSWD RO1 at si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad at mga miyembro ng Bayambang Poverty Reduction Action Team sa pangunguna ni BPRAT Chairperson, Dr. Rafael L. Saygo.

Dito ay tinalakay ang ukol sa Memorandum Circular 07 s. 2024, mga update ukol sa membership ng nasabing TWG, orientation para sa SLP CY 2024, at mga project implementation at monitoring activities.

Pinag-usapan din ang mga paraan upang mapagtibay ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng DSWD Field Office 1-SLP team sa LGU-Bayambang.

(ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: JMB)