“Bridgerton Ball: A Celebration of Women,” Nagbigay-Pugay sa Kagandahan at Lakas ng Kababaihan

Isang gabi ng selebrasyon at pagkilala sa kababaihan ang idinaos kinagabihan ng Marso 13, 2025, sa pamamagitan ng “Bridgerton Ball: A Celebration of Women” bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Sa isang engrandeng formal ball, pinarangalan ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang larangan na patuloy na nagpapakita ng husay, tapang, at determinasyon sa kani-kanilang propesyon at adbokasiya.

Sa kanyang video message, ipinahayag ni Mayor Niña Jose-Quiambao na, “This Women’s Month, we not only stand in solidarity to celebrate women from all walks of life. We also renew our commitment to champion women’s rights and address the challenges confronting them. In the wise words of Violet Bridgerton, ‘We shall do what women do. We shall talk.’ So let us use our voices to fight for our causes and to fight for equality.”

“Wala tayong hindi kakayanin dahil tayo ay babae, hindi babae lang,” dagdag niya.

Sa kanyang welcome remarks, ibinahagi ni Councilor Benjie de Vera ang kanyang pagpapahalaga sa naging papel kamakailan ng mga kababaihan, lalo na nina Mayor Nina Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, sa paghubog sa bayan ng Bayambang.

Dumalo sa okasyon sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Sangguniang Kabataan Federation President Marianne Cheska Dulay, LGU department and unit heads, national agency heads, barangay officials, at iba pang women leaders mula sa iba’t ibang sektor at pati na rin mga honorary women: mga kalalakihang suportado ang pagsulong ng women’s rights.

Isa sa mga tampok ng gabi ay ang Bridgerton Fashion Showcase, kung saan rumampa ang mga kalahok suot ang mga eleganteng kasuotan na inspired ng TV series na “Bridgerton.”

Nagbigay-saya naman ang Entertainment Segment, kung saan iprinisenta ang iba’t ibang performance na lalong nagpasigla sa gabi.

Bukod dito, nagkaroon din ng Awards & Raffles, kung saan kinilala ang ilan sa mga natatanging kababaihan na nagpakita ng husay at dedikasyon sa kanilang serbisyo publiko at propesyon.

Ang Bridgerton Ball ay hindi lamang isang gabi ng kasayahan kundi isang simbolo ng pagkilala sa kontribusyon ng kababaihan sa lipunan. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na naipapamalas na ang bawat babae ay may kakayahang mamuno, umangat, at magbigay-inspirasyon sa iba. (KB/RSO; AG)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka