Brgy. Pantol, Biniyayaan ng Bagong Service Vehicle

Isang brand new L300 van ang iginawad ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa Brgy. Pantol upang maging Barangay Patrol vehicle nito.

Malugod na tinaggap ni Punong Barangay Arnel Ochave ang susi ng bagong L300 FB Dual Aircon na nagkakahalaga ng P1,032,000.00 noong ika-12 ng Agosto 2024, sa Balon Bayambang Events Center.

Ang sasakyan ay donasyon ng Agricultural Infrastructure and Leasing Corporation (AILC), Niña Cares Foundation, at Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI).

Ang patrol vehicle ay inaasahang magbibigay ng mas mabilis na tugon sa mga pangangailangan sa barangay, lalo na sa panahon ng kalamidad, emergency, at pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan. (KALB/RSO; AG)