BPSO, Tinalakay ang Responsibilidad ng mga Personnel sa Kanilang General Assembly

Ang mga kawani ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) ay tinipon sa isang general assembly upang muling ipaalala ang kanilang mga tungkulin ng mga kawani bilang security personnel ng LGU facilities, traffic enforcers, at lay rescuers.

Pinangunahan ang pagpupulong ni BPSO Chief Ret. Col. Leonardo Solomon, kasama ang kanyang deputy na si Dario Mangade, noong Setyembre 27, 2025 sa Balon Bayambang Events Center na dinaluhan ng 106 personnel mula sa iba’t ibang section ng BPSO.

Tinalakay niya ang mga polisiya, alituntunin, at direktiba para sa mas epektibong pagtupad sa kanilang mga tungkulin bilang lingkod-bayan, kasama na ang mga ordinansa at kaukulang parusa upang matiyak ang mas mahigpit na pagpapatupad ng batas at disiplina sa pamayanan.

‎Nagkaroon din ng bukas na talakayan kung saan naihayag at nasagot ang mga katanungan at alalahanin ng mga personnel.

‎Sa kabuuan, nagsilbing mahalagang hakbang ang pagpupulong upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at kahandaan ng BPSO sa pagbibigay ng serbisyo at seguridad para sa mga Bayambangueño. (Dexter Cayabyab, RGDS/RSO; BPSO)