BPSO, Task Force Disiplina, at PNP, Nakaantabay sa Pagbubukas ng Klase

Kasabay ng pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027, nagsagawa ng mas pinaigting na pagbabantay ang Bayambang Public Safety Office (BPSO), Task Force Disiplina, at Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang paaralan sa bayan.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga mag-aaral, guro, at magulang sa unang araw ng pasukan. Nakatutok din sila sa pamamahala ng trapiko, pagpapanatili ng disiplina, at agarang pagtugon sa anumang insidenteng maaaring makaapekto sa maayos na pagbubukas ng klase.

Patuloy na nakikipagtulungan ang mga nasabing ahensya upang masiguro ang isang ligtas, maayos, at matagumpay na balik-eskwela para sa lahat ng Bayambangueño. (KB/RSO; TFD)