BPSO, Patuloy ang Agarang Pagresponde sa Iba’t Ibang Emergency Incidents

Patuloy ang masigasig na pagtugon ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa iba’t ibang insidente ng aksidente sa daan at dagliang pangangailangan ng mga Bayambangueño, lalo na sa mga vehicular accident at mga kasong nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Ang BPSO, sa ilalim ni OIC-Chief, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at ang Task Force Disiplina sa ilalim ni SATOM, Dr. Cezar Quiambao, at Lt. Amory Junio, ay agarang rumisponde sa ilang naaksidenteng motorista at pasahero.

Bukod sa rescue operations, patuloy ring nagbibigay ang BPSO ng suporta sa mga pasyenteng kailangang maihatid sa pagamutan ng daglian (emergency cases) upang masiguro ang kanilang kaligtasan at maayos na kalagayan. (RSO; BPSO)