BPSO, Nagsagawa ng Inspeksyon at Koordinasyon Laban sa Ilegal na Paggamit ng Kalsada; Pagbilad ng mga Ani at Pagpark sa mga Daan at Sidewalk, Mariing Ipinagbabawal!

Nagsagawa ng masinsinang inspeksyon at koordinasyon ang mga tauhan ng Bayambang Public Safety Office (BPSO), sa pamumuno ni BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, katuwang ang mga opisyal ng barangay, upang tutukan ang mga isyu kaugnay ng ilegal na pagpapapatuyo ng mga produktong pansakahan at ilegal na pagparada ng mga sasakyan sa gilid ng mga pangunahing kalsada.

Ang aktibidad ay isinagawa sa mga barangay ng Bani, Asin, Ligue, Amanperez, Alinggan, Malimpec, San Vicente, Wawa, Buayaen, Telbang, at Poblacion Sur.

Layunin ng inspeksyon na matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at residente sa pamamagitan ng pagpapaalala at pagpapatupad ng mga regulasyon ukol sa tamang paggamit ng mga lansangan, partikular na sa mga bahagi ng kalsadang sakop ng Road Right-of-Way (RROW).

Ang paglalatag ng mga pananim para patuyuin at ang pagparada ng mga pribadong sasakyan sa gilid ng mga national road ay ilan sa mga pangunahing sanhi ng pagsisikip ng trapiko at aksidente sa kalsada.

Samantala, ang inspeksyon sa iba pang barangay na hindi pa nasasaklaw ng BPSO ay nakatakdang isagawa ng Philippine National Police (PNP) Bayambang sa pamumuno ni PLtCol Rommel P. Bagsic.

Patuloy ang panawagan sa publiko na makiisa at sumunod sa mga regulasyong ipinatutupad para sa kapakanan ng lahat. (RGDS/RSO)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka