Nagsagawa ng Fire Safety at Basic First Aid Seminar ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa pangunguna ni Col. Leonardo Solomon sa Balon Bayambang Events Center ngayong araw, Oktubre 11, 2205, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) Bayambang.
Dinaluhan ito ng humigit-kumulang 50 miyembro ng security force na nakatalaga sa iba’t ibang pasilidad ng lokal na pamahalaan.
Bilang panauhing tagapagsalita, ibinahagi ni Municipal Adminisrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang mahahalagang kaalaman ukol sa kahandaan sa sunog at tamang pagtugon sa mga emerhensiya upang mapanatiling ligtas at handa ang mga tagapagpatupad ng seguridad ng bayan. (RSO; BPSO)






