Isa na namang traffic enforcer ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) ang nakapulot ng cell phone at agad itong isinauli sa may-ari.
Noong November 10, napulot ni Traffic Enforcer Team Leader Ronaldo delos Santos ang isang Infinix na cell phone sa may area ng HI-PAD, at isinurrender ang naturang cell phone sa kanilang tanggapan.
Ang napulot na gamit ay agad ding naclaim ng may-ari sa BPSO na napag-alamang si Daniel Ver Perez, isang residente ng Brgy. Tamaro, matapos itong tumawag sa sariling numero. (RSO; BPSO)


