Patuloy na naghahatid ng mabilis, maaasahan, at de-kalidad na serbisyo ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) lay rescuers at Task Force Disiplina (TFD) sa mga mamamayan ng Bayambang, sa ilalim ng pamumuno nina Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Municipal Administrator at OIC ng BPSO at TFD, at ni 1Lt. Amory M. Junio, PA (Res), Chief Operations Officer ng BPSO at TFD.
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng serbisyong pampubliko, nananatiling handa at aktibo ang mga lay rescuer sa pagbibigay ng agarang responde sa iba’t ibang uri ng emerhensiya, kabilang ang mga medical emergencies, aksidente sa kalsada, at iba pang insidenteng nangangailangan ng agarang tulong.
Sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon, kahandaan, at propesyonalismo, patuloy nilang naipapakita ang tunay na diwa ng malasakit at paglilingkod sa komunidad. Aktibo rin silang nakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa iba’t ibang programa, aktibidad, at espesyal na okasyon sa bayan.
Patuloy na hinihikayat ng BPSO at TFD ang bawat mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad. Sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan at ng mamamayan, masisiguro ang isang ligtas, maayos, at handang Bayambang para sa lahat. (BPSO; BPSO)






