Nakiisa ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) at Task Force Disiplina (TFD) sa pamunuan ng Bayambang Central School (BCS), sa pangunguna ni Principal Lamberto de Vera, sa pagsasaayos ng parking area sa loob ng paaralan.
Layunin ng inisyatibang ito na mapabuti ang daloy ng trapiko at matiyak ang mas ligtas at mas organisadong paradahan para sa mga guro, mag-aaral, magulang, at iba pang bumibisita sa paaralan. (RSO; BPSO)





