Ang Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) ay nagsagawa ng quarterly progress meeting kasama ang BPRP Good Governance Sector na pinamumunuan ni ICT Officer Ricky V. Bulalakaw, at ito ay ginanap noong Hunyo 30, 2025, sa Balon Bayambang Events Center.
Kabilang sa tinalakay ang pagpapatupad ng Integrated Human Resources Information System (PRIME-HRM) bilang isang sistema na magpapahusay sa pamamahala ng mga kawani sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng Performance Management at Attendance Management.
Ibinahagi rin ang mga hakbang upang matiyak ang maayos na paggamit nito.
Inilahad din ang mga pangunang resulta ng isinagawang Local Good Governance Confidence Survey, kung saan naging sentro ng talakayan ang mga natuklasang kalakasan at kahinaan ng kasalukuyang sistema ng pamamahala, na magiging batayan sa pagpapabuti ng mga serbisyo publiko.
Nag-update din ang sektor ukol sa kasalukuyang kalagayan ng pagpapatupad ng Good Governance Plan. Dito ay isinumite ang mga naisakatuparan na, mga hamon, at mga susunod na hakbang upang matiyak ang matagumpay na pagkamit ng mga layunin nito.
Kabilang sa mga PPAs (plans, projects, and activities) na tinalakay ang pag-issue ng executive order na gagawa ng isang BPRP Monitoring Committee; pagsagawa ng good governance confidence survey kung saan mayroong mga distinct questionnaire para sa internal at external respondents at yaong mga nagrerepresenta ng ELA sectors; pag-uulat ng mga naisagawang bagong good governance practices; pag-conduct ng Sectoral Strategic Planning and Monitoring; pagkilala ng service loyalty sa mga personnel; pag-pursue ng PRIME-HRM Level 2 at Level 3 recognitions; pagdevelop ng Performance Management Information System; pag-maintain ng quality management system (QMS) sa ilalim ng ISO 9001:2015; pagtalima sa RA 9184 at RA 1200; pagsagawa ng annual finance forum; pag-implementa ng inventory management ayon sa COA guidelines; pag-institutionalize ng Public Service Continuity Plan (PSCP); at pag-institutionalize ng good governance sa mga barangay. (VMF/RSO; JMB)







