Noong December 12 hanggang 18, nagsagawa ng isang serye ng pagpupulong ang Bayambang Poverty Reduction Action Team kasama ang iba’t ibang sektor upang mamonitor sa 4th quarter ng taong 2024 ang implementasyon ng lahat ng nakalatag na programa at proyekto ayon sa Recalibrated Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028.
Sa direksyon ni Mayor Niña Jose-Quiambao, naunang pinulong ni BPRAT Chairperson, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sa Mayor’s Conference Room ang Sociocultural Development and Protection sector at Environmental Protection and Disaster Resiliency sector. Pagkatapos ay isinunod ang Economic and Infrastructure sector, Good Governance sector, at Agricultural Modernization sector.
Ang mga accomplishment ng kada sector ay nirepaso upang makita kung ang mga ito ay naisasagawa ng maayos o kailangang baguhin upang matiyak ang tagumpay ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan ng administrasyong Quiambao-Sabangan. (RSO; BPRAT, JMB)