Pinulong ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) ang mga team leader ng lahat ng development sectors sa ilalim ng Bayambang Poverty Reduction Plan o BPRP 2018-2028, upang mareview at mafinalize ang Sectoral Assessment Report ng LGU para sa nalalapit na komemorasyon ng ikapitong taon ng deklarasyon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
Nakatakda ring talakayin ang naturang report sa darating na Anti-Poverty Summit sa August 12-14, 2024 upang maging basehan ng pag-update ng BPRP.
Pinangunahan ang pulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, na siya ring Chairperson ng BPRAT, noong August 5, 2024 sa Mayor’s Conference Room. (RSO; photos: JMB, JPD/BPRAT, Rob Cayabyab)