Isang quarterly meeting ukol sa mga kasalukuyan at nakahanay na proyekto at aktibidad sa agricultural modernization sector ang isinagawa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team noong Mayo 5, 2025, sa Municipal Conference Room upang magbigay ng update ukol sa progreso ng mga target objectives ng naturang sektor at talakayin ang mga nararapat na aksyon upang lubos na maisakatuparan ang pagyabong ng agrikultura sa bayan ng Bayambang.
Ang pulong ay dinaluhan ni Mayor Niña Jose-Quiambao at lahat ng miyembro ng nasabing team, sa pangunguna ni Municipal Administrator at BPRAT Chairperson, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.
Sa ilalim ng Bayambang Poverty Reduction Plan 2018-2028 – Agricultural Modernization thrust, kabilang sa mga pinagtuunan ng pansin ang mga proyekto ukol sa agro-enterprise development, info drives, clustering ng farm operations, pagtatag at pagpapalakas ng mga kooperatiba, agro-infrastructure at development ng inland fisheries, farm mechanization, high-yield crops, promosyon ng organikong pagsasaka at pagtanim ng mga tradisyunal na crop varieties, intensive backyard gardening, innovative marketing strategies, at tuluy-tuloy na anti-rabies vaccination. (RSO; JMB)