BPC Training Center, nagsimula na!

Isa na namang tatlong-palapag na gusali ang kasalukuyang itinatayo sa campus ng Bayambang Polytechnic College—ang magiging BPC Training Center.

Hindi pa man tapos ang ongoing Academic Building, may panibagong building na namang nadaragdag sa lumalaking BPC.

Dahil sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa National Government, nagkakaroon tayo ng mga pasilidad na magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa ating mga kabataan na matuto, magsanay, at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Mabuhay ang Bayambang! Mabuhay ang BPC!

Dahil sa Bayambang at sa pamumuno ni Mayor Niña, ang edukasyon ay para sa lahat!