Ang Bayambang Polytechnic College ay nagsagawa ng Orientation on Solid Waste Management ngayong araw, Pebrero 27, 2026, sa Bayambang Events Center bilang bahagi ng kampanya ng kolehiyo para sa kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.
Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at empleyado tungkol sa wastong paghihiwalay, pagtatapon, at pamamahala ng basura upang mapanatili ang malinis at responsableng komunidad sa loob ng kampus.
Naroon si Dr. Rafael Limueco Saygo, Pangulo ng BPC, upang magbigay ng welcome remarks.
Nagbahagi ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa solid waste management sina MENRO Ma-Lene S. Torio, SEMS Eduardo M. Angeles Jr., at ESWMO Administrative Assistant I Julius Caesar Bato.
Naging panauhin din si EnMO Michael Lawrence Lledo ng DENR-R1.
Nagtapos ang programa sa isang open forum kung saan sinagot at binigyan ng linaw ang lahat ng isyu at katanungan ng mga kalahok. (John Patrick A. Tabuga/RSO; AG)







