Idinaos ng Bayambang Barangay Nutrition Scholars (BNS) Association ang Ms. BNS 2025 kinagabihan ng Oktubre 22, bilang isang fundraising activity, upang makakalap ng adisyunal na pondo bilang partner ng Municipal Nutrition Committee.
Ang patimpalak ay base sa tradisyunal na istilo ng solicitation, at ang proceeds ng fundraising activity ay magiging adisyunal na pondo ng BNS Association at parte nito ay ibibigay sa mga target beneficiaries ng asosasyon.
Itinanghal na Ms. BNS 2025 si Ms. Mae Ann C. Alcantara, BNS ng Brgy. Nalsian Sur.
Naging crowning guests naman sina Councilor Nazer David Jan Junio, Councilor Jocelyn Espejo, at MNAO Venus Bueno. (RSO; MNAO)











