BNHS Student, Top 2 Winner sa National IT Challenge for Youth with Disabilities

Nagwagi bilang Top 2 Winner sa Deaf/Hard of Hearing category ang isang pambato ng Bayambang National High School (BNHS), sa ginanap na National IT Challenge for Youth with Disabilities noong April 22-24, 2024 sa Bayview Park Hotel Manila.

Siya ay si Dallin Jeff E. Moreno ng BNHS, na naging miyembro ng koponan ng probinsya ng Pangasinan sa naturang taunang patimpalak ng National Council on Disability Affairs (NCDA).

Si Moreno ay tumanggap ng premyong P5,000.

Kasama ni Moreno ang kanyang coach na si Mr. Rafael Carungay at LGU representative na si Local Youth Development Officer Johnson R. Abalos.

Sa kanyang pagkapanalo, si Moreno ay naging qualifier sa Global IT Challenge 2024 na gaganapin sa Pilipinas bilang susunod na host country. (RSO/LYDO)