Binigyang pagkilala ng LGU, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, si Lina Junio ng Bayambang National High School dahil sa kanyang angking galing sa paggamit ng computer matapos niyang makamit ang isang karangalan upang maging kinatawan ng Pilipinas sa magaganap na Global IT Challenge for Youth with Disabilities 2025.
Kanyang tinanggap ang pagkilala kasama ang kanyang coach na si Mr. Raffy Carungay at PDA Officer Johnson R. Abalos ngayong araw, ika-6 ng Oktubre 2025, sa Balon Bayambang Events Center.
Sa ikatlong pagkakataon, muling irerepresenta ng kabataang Bayambangueño ang Philippine team sa magaganap na patimpalak sa Ulsan, South Korea mula October 28 hanggang November 2, 2025.
Ang kanyang pakikilahok sa naturang kompetisyon ay all-expense paid sa tulong at suporta ng LGU-Bayambang sa pamamagitan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO).
Ang parangal na ito ay simbolo ng isang matagumpay muling pagpapamalas ng angking galing at husay ng isang Bayambangueño sa loob at labas man ng bansa, patunay na ang bayan ng Bayambang ay ingklusibo sapagkat walang sektor ang napag-iiwanan. (JLT/RSO; AG)






