BM Sabangan at Municipal Councilors, Dumalo sa Cash-for-Work Payout ni Sen. Imee

Ngayong araw, Mayo 25, 2024, winelcome nina Board Member Raul R. Sabangan at ng mga Municipal Councilors bilang kinatawan ni Mayor Niña ang payout activity para sa DSWD KALAHI program sa tulong ni Sen. Imee Marcos.

Ang nasabing cash-for-work program ay siyang nagbigay kamakailan ng temporary employment sa mahigit 1,000 graduates mula sa iba’t ibang bayan, kabilang ang mga nagtapos sa PSU-Bayambang Campus.

Di man nakarating si Sen. Imee dahil sa di inaasahang pagsungit ng panahon, natuloy namang dumating sa Balon Bayambang Events Center ang kanyang Nutribus at sina Congresswoman Rachel Arenas, Board Member Shiela Baniqued at BM Vici Ventanilla, SINAG President Rosendo So, at PSU President, Dr. Elbert Galas, at dating PSU-Bayambang Campus Executive Director na ngayo’y PSU VP for Local and International Affairs, Dr. Ian Evangelista. (ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: JMB)