Sa layuning makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga Bayambangueño, matagumpay na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO)–Bayambang ang isang Local Recruitment Activity (LRA) para sa Blue Sky Theme Park and Events Center nitong Oktubre 11, sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Umabot sa mahigit 208 na aplikante out of 408 online registrants ang dumalo sa nasabing aktibidad para sa iba’t ibang posisyon na alok ng Blue Sky Theme Park.
Ulat ni Blue Sky Theme Park and Events Center General Manager Albert Torralba, kabilang sa mga hinahanap na posisyon ang theme park and ride attendants, guest services staff, leasing officer, facility maintenance team members, IT staff, human resources generalist, at marketing officer, na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa mga mamamayan ng Bayambang at karatig-bayan.
Ayon kay SLEO Gernalyn Santos, ang Blue Sky Theme Park and Events Center ay bahagi ng Phase 1 ng Bayambang Metropolitan (BYB Metro) Project sa ilalim ng administrasyong Quiambao–Sabangan, na naglalayong lalong payabungin ang lokal na ekonomiya at lumikha ng mas maraming trabaho para sa mga Bayambangueño.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na pinatutunayan ng lokal na pamahalaan na ang progreso ay nagsisimula sa bawat Bayambangueñong may oportunidad at hanapbuhay. (RGDS/RSO; RGDS)








