Blood Drive sa Tococ East, May 43 Successful Donors

Isang mobile blood donation activity ang matagumpay na isinagawa sa Barangay Tococ East Covered Court ngayong araw, Setyembre 29, 2025, kung saan naitala ang 43 successful donors mula sa kabuuang 62 na rehistradong volunteers.

‎Ang aktibidad ay bunga ng pagtutulungan ng Rural Health Unit I at Philippine Red Cross–San Carlos Chapter, na layong makalikom ng sapat na supply ng dugo para sa mga nangangailangan.

‎Bukod sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na makatulong sa kanilang kapwa, nagsilbi rin itong paalala sa kahalagahan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo upang makapagsalba ng buhay. (Dexter Cayabyab, RGDS/RSO; RHU I)