Binata na Nangangarap Maging Pulis, Miyembro ng LGBTQIA+ Community, Naipagamot ng LGU

Noong July 19, 2025, isang binata ang matagumpay na inasistehan at naipa-opera ng libre ng Mayor’s Action Center sa Region I Medical Center, Dagupan City. Siya ay si Aljohn Aquino, 27 taong gulang na residente ng Brgy. Langiran.

Ang binata ay matagal nang tinitiis ang kanyang hemorrhoid na naging sagabal sa pag-abot ng kanyang pangarap na maging isang pulis, kaya’t hindi nag-atubili ang kanyang pamilya na humingi ng tulong kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng pagsend ng mensahe sa kanyang Facebook account, na agad naman na inaksyunan ng Mayor’s Action Center.

Sa isang liham ng pasasalamat na ipinaabot ng binata at kanyang pamilya, napakalaking tulong anila ang pagpapagamot ni Mayor Niña sa pasyente lalo na sa kanyang pamumuhay at pag-abot ng kanyang pangarap.

Samantala, noong July 28, 2025 naman, agarang dinala si Samuel Mendoza, taga-Brgy. Manambong Norte sa Philippine Heart Center, Quezon City dahil sa karamdaman nitong congenital heart disease, pamamanas, at pananakit ng paa. Si Mendoza ay nakatakdang operahan sa puso sa nabangit na ospital.

Sa tulong at mabilis na aksyon ng Bayambang Public Safety Office gamit ang ambulansya ng LGU, matagumpay na naihatid ang mga pasyente at naipagamot sa ospital.

Patuloy pa rin na inaasistehan ng MAC staff na si Gloria Junio at Mary Rose Santos, at John Luke Ora ang mga pasyente sa kanilang mga follow-up check-up. (JNE/RSO; MAC)