BFP Pangasinan, Nag-courtesy Call para sa Taunang New Year’s Call

Bumisita kay Mayor Niña Jose-Quiambao ang Bureau of Fire Protection (BFP) Pangasinan para sa kanilang tradisyonal na New Year’s Call sa lahat ng mga local chief executives sa buong lalawigan bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan at suporta sa mga lokal na pamahalaan sa pagharap sa mga hamon sa bagong taon.

Pinangunahan ang mga pag-bisita ni BFP Pangasinan Provincial Fire Marshal FSSUPT Marvin T. Carbonel, DSC, kasama si FINSP Joy Carol A. Palchan, Acting Municipal Fire Marshal ng Bayambang.

Ang BFP-Pangasinan ay nagpasalamat sa nakaraang taon at muling ipinahayag ang kanilang dedikasyon sa serbisyo para sa kaligtasan ng komunidad.

Ang pulong ay nagbigay-daan sa makabuluhang talakayan hinggil sa mga programang lalo pang magpapalakas sa kahandaan sa kaligtasan laban sa sunog at sa mabilis at epektibong pagtugon sa mga emerhensiya sa munisipalidad. (RSO; Rob Cayabyab)