BFP, Nagsagawa ng Feeding at Gift-Giving Activity sa Bical Elementary School

Nagsagawa ang Bayambang Fire Station ng isang feeding at gift-giving activity sa Bical Elementary School ngayong araw, ika-27 ng Marso, 2026, sa pangunguna ni Acting Municipal Fire Marshall, FSInsp. Raymond C. Palisoc, upang maghatid ng masustansyang pagkain at simpleng handog sa mga mag-aaral, kasabay ng pagpapalakas ng malasakit at serbisyo ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa komunidad.

Bukod sa pagbibigay ng nutrisyon, naging pagkakataon din ito upang higit pang mapagtibay ang ugnayan ng BFP at ng lokal na pamayanan, lalo na sa hanay ng kabataan.

Naging katuwang sa nasabing gawain ang Rotary Club of Bayambang, STRADCOM-IT Solutions, at Mijares-Junio Paralegal Service, na nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang programa. (RSO; BFP)