BEACONS Program ng UPLB-BIOTECH, Muling Dinala sa Bayambang upang Palakasin ang Sustainable Agriculture

Muling dinala ng University of the Philippines Los Baños–National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (UPLB-BIOTECH), sa pamamagitan ng Technology Transfer and Business Development Program nito, ang BEACONS: BIOTECH Empowerment and Assistance of Communities and the Nation for Sustainability, sa pakikipagtulungan sa Municipal Agriculture Office ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang noong Pebrero 26–27, 2026.

Layunin ng programa na mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka at komunidad sa paggamit ng biotechnology-based agricultural products tulad ng biofertilizers, plant growth regulators, at biostimulants upang mapabuti ang ani at mapababa ang gastos sa produksyon.

Sa unang araw, nagsagawa ng courtesy call sa tanggapan ng Alkalde, kasunod ang site visit, monitoring, at technical consultation kasama ang mga farmer-cooperators.

Sa ikalawang araw, isinagawa ang lecture at demonstration tungkol sa Biotechnology for Agriculture and Forestry Products, kabilang ang pagsasanay sa tamang paggamit ng MykoVAM para sa melon at pakwan.

Dinaluhan ang programa ng mga magsasaka, farmer organizations, at mga kawani ng LGU Agriculture Office.

Naging resource persons naman sina Ms. Patricia Mae H. Punzalan, Mr. Bonie B. Datul, at Ms. Delfina S. Iringan mula sa UPLB-BIOTECH. (John Paul F. Ballesteros/RSO; AG, JMB)