BBB Team, Naglibot sa District 7 at 9

Noong nakaraang araw at linggo, ang Bali-Balin Bayambang Committee ay sumunod namang nagmonitor sa mga barangay sa District 7 at 9 para sa clean-green-and-bloom project ni Mayor Niña. Sa kanilang pag-iikot, sinuri ng dalawang monitoring team ang aktibong partisipasyon ng mga opisyales at residente, ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.