Bb. Bayambang Alumna, Contender sa Bb. Pilipinas 2025!

Isang sashing ceremony ang isinagawa bilang pagkilala kay Bb. Jenesse Victoria Mejia bilang opisyal na kandidata sa prestihiyosong Binibining Pilipinas 2025 beauty pageant.

Ang seremonya ay isinagawa ngayong araw, Abril 14, 2025, pagkatapos ng lingguhang flag-raising ceremony sa Balon Bayambang Events Center.

Pinangunahan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang seremonya kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga department at unit heads ng lokal na pamahalaan.

Si Bb. Mejia ay isang Bb. Bayambang 2018 alumna at aktibong miyembro ng Binibining Bayambang Foundation, Inc.

Kilala siya hindi lamang sa kanyang ganda, kundi maging sa kanyang adbokasiya at aktibong partisipasyon sa mga gawaing pangkomunidad. (RGDS/RSO; AG)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTak