Bb. Bayambang 2026, Nakiisa sa Mobile Blood Drive sa Batangcaoa; 48 Blood Bags, Nakolekta

Dinayo ng mga kandidata ng Bb. Bayambang 2026 ang isinagawang community mass blood donation drive sa Brgy. Batangcaoa Covered Court, kung saan sila ay nagparamihan ng narecruit na donor ng dugo.

Ang mobile blood donation drive ay matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Marso 2026, sa pagtutulungan ng Rural Health Unit (RHU) I at Philippine Red Cross–San Carlos City Chapter, sa pakikipag-ugnayan sa Batangcaoa Barangay Council sa ilalim ni Punong Barangay Santillan Abalos.

May 61 katao ang nagparehistro upang mag-donate ng dugo, at 48 na katao ang naging successful donors, kung kaya’t nakapagkolekta ang RHU ng kabuuang 48 bags ng dugo mula sa kanilang bloodletting drive. (RSO; WMC, RHU)