Sa temang “Strengthening Inclusive Education in Bayambang; Education For All”, nakabatay ang iba’t ibang proyektong isinusulong ni Bb. Bayambang 2024 Reign Joy Lim kung saan gagamitin ang P100,000 pondo mula kay Mayor Niña. Ang tseke ay kaniyang tinanggap pagkatapos ng Flag Ceremony noong Oktubre 21, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.
Sa pagsulong ng kaniyang adbokasiya, tiniyak ni Bb. Reign Joy na walang Bayambangueño ang mapag-iiwanan sa larangan ng edukasyon, lalo na ang mga may kapansanan.
“True beauty shines when every learner is embraced, empowered, and included,” aniya.
Kaya’t masusing pinag-aralan at pinagplanuhang ang mga programang kaniyang pangungunahan kabilang na ang Awareness Campaigns for Inclusive Education, Program for the Deaf/Hand of hearing, Program for Visually Impaired Learners, Program for Nuerodiverse Learners, Program for Learners with Physical Disability, RA 11650 at marami pang iba.
Patrick Salas/Sharlene Gonzales/Shin G; Rob Cayabyab)