Ngayong araw, May 25, 2026, opisyal nang nagsimula ang programang “Bayanihang Bulilit” sa lahat ng Child Development Centers. Ito ay isang programang naglalayong magbigay ng financial assistance at magsagawa ng malawakang clean-up activities sa mga Child Development Centers.
Layunin nito ang maihanda ang mga pasilidad para sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa mga mag-aaral ng Pre-K at ITED. Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga magulang, mga opisyal ng barangay, at iba pang miyembro ng komunidad.
Bilang bahagi ng inisyatibong ito, ang ECCD ay tumatanggap din ng mga donasyong cleaning materials upang makatulong sa patuloy na paglilinis at pagpapanatili ng kaayusan ng mga pasilidad. Ito ay patunay ng matibay na diwa ng bayanihan at malasakit para sa ligtas at maayos na kapaligiran ng mga bata. (VMF/ SMGC; ECCD)










