Bayanihan sa Bayambang, Buhay na Buhay, Salamat sa BTS!

Buhay na buhay ang bayanihan sa bayan ng Bayambang, at ito ay dahil na rin sa mabuting halimbawang ipinakikita ni Mayor Niña at ng pamilya Quiambao at Jose. 

Noong  July 9, 2025, ang Born to Serve (BTS) team na mga Bayambang National High School alumni, kasama ang LGU-Bayambang, ay nagpamahagi ng mga school supplies sa 87 elementary students mula kinder hanggang Grade 6 sa San Gabriel 2nd Elementary School, Brgy. San Gabriel 2nd.

Kabilang sa mga donasyon ang mga school bag, payong, at mayroon pang mga snack, na malugod na tinanggap ng lahat sa pangunguna ni SG2 ES Principal Anthony Rico.

Maraming salamat sa mga may mabubuting loob gaya ng BTS. Nawa’y tularan sila ng iba pang grupo. (RSO; BTS)