Bayanihan sa Bayambang, Buhay na Buhay; Grupong BTS, Tumulong sa Isang PWD

Ang diwa ng bayanihan ay buhay na buhay sa bayan ng Bayambang, sapagkat patuloy ang iba’t ibang grupo sa pakikiisa sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan ng administrasyong Quiambao-Sabangan.

Noong  Hulyo 18, 2025, ang pribadong grupong Born to Serve (BTS) naman, kasama si Bayambang National High School Batch ’90 President Armando Agbuya Jr., ay nag-sponsor ng mga grocery at food items para sa isang indigent na PWD sa Brgy. Hermoza.

Nawa’y mas lalo pang dumami ang mga may mabubuting loob na magkaroon ng katulad na inisyatibo, sapagkat gaano man kaliit ang ambag, kung pinagsama-sama, ay tiyak na magdudulot ng tagumpay. (RSO; BTS)