Bayan ng Bayambang, sa Nagliwanag sa Ceremonial Christmas Lighting; Diwa ng Pasko, Nagningning

Ilaw. Ligaya. Komunidad.

Sa mga diwang ito, pormal na sinindihan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, ang liwanag ng Kapaskuhan, sa idinaos na ceremonial Christmas lighting noong Nobyembre 20, 2025 sa harapan ng Municipal Plaza.

Ang komunidad ay nagtipon upang tunghayan ang mga tampok na makukulay na ilaw, mga dekorasyong nagpapaalala sa kulturang Pilipino, at ang belen na muling nagpabuhay sa tunay na diwa ng Pasko — pag-asa, pagkakaisa, at pagkakawanggawa — para sa lahat ng Bayambangueño.

Bukod sa pagpapailaw, ang Christmas bazaar sa plaza ay nagbukas na ngayong linggo upang mag-alok ng iba’t ibang produktong lokal, pagkain, regalo, at iba pang pambentang makadadagdag-sigla sa selebrasyon at lokal na ekonomiya.

Binigyang-diin ng pamahalaang lokal na ang Kapaskuhan sa Bayambang ay hindi lamang pagpapailaw, kundi isang taunang pagdiriwang ng pagkakabuklod, malasakit, at pag-asang hatid para sa buong komunidad. (WMC/RSO; AG, Rob Cayabyab)