Dinaluhan ng Bayambangueños ang isa na namang job fair na nagbukas ng daan-daang oportunidad sa trabaho, noong Enero 29, sa Balon Bayambang Events Center, kung saan may 89 aplikante ang hired-on-the-spot (HOTS).
Pinangunahan ng LGU, sa pamamagitan ng PESO at mga katuwang na ahensya, ang aktibidad na nilahukan ng iba’t ibang employers mula sa sektor ng retail, manufacturing, agribusiness, healthcare, BPO, at serbisyo, kung saan may kabuuang 635 na rehistradong aplikante, kung saan 357 ang qualified at 8 ang near-hire.
32 sa mga HOTS ay overseas ang placement: 30 mula sa Prime Search Manpower Agency Inc. at 2 mula sa
Hopewell Overseas Manpower Network Inc.
Kabilang sa mga inalok ay mga posisyon para sa high school at senior high school graduates, college graduates, licensed professionals, at skilled workers, pati na rin ang mga trabahong bukas para sa fresh graduates at may o walang karanasan.
Bukod sa local employment, nag-alok din ang mga lisensyadong recruitment agencies ng overseas job opportunities sa iba’t ibang bansa sa Asya, Gitnang Silangan, Europa, at Africa, na may kasamang orientation sa kwalipikasyon, benepisyo, at kinakailangang dokumento.
Layunin ng job fair na mapalapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mamamayan, mapababa ang unemployment rate, at masuportahan ang inklusibong paglago ng ekonomiya ng Bayambang sa pamamagitan ng direktang ugnayan ng employers at jobseekers. (WMC/RSO; JMB)












