Bayambangueños, Nagtipon sa 2nd Toothbrushing Marathon

Libu-libong Bayambangueño ang muling nagtala ng panibagong marka sa kasaysayan ng bayan, matapos silang sumama sa 2nd Municipal-Wide Toothbrushing Marathon, bilang pakikilahok sa National Toothbrushing Day at bilang bahagi ng pagbubukas ng Oral Health Month Celebration nitong February 2, sa Municipal Public Plaza.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Health Office, katuwang ang Philippine Dental Association-Pangasinan Chapter, kung saan aktibong nagsepilyo ang mga dumalo.

Kabilang sa mga nakiisa sa sabayang toothbrushing activity sa buong bayan ng Bayambang ang mga kawani ng LGU, JKQ Medical & Wellness Center, BFP, at PNP, mga faculty, staff, at estudyante ng Bayambang Polytechnic College, at mga Barangay Health Worker.

Isinagawa rin ang nasabing marathon sa iba’t ibang Child Development Center at mga pumpublikong paaralan sa 77 na barangay sa buong bayan.

Ang inisyatiba ay naglalayong paigtingin ang kamalayan ng bawat Bayambangueño sa kalusugang pambibig o oral health. (WMC/RSO; AG)