Muling nagdonate ng mga aklat at iba’t ibang kagamitan sa mga paaralan at piling indibidwal ang US-based na Bayambangueño na si Mr. Joey M. Ferrer sa pamamagitan ng kanilang foundation.
Ang mga donasyong ito ay tinanggap ng iba’t ibang paaralan kabilang ang Bayambang Poytechnic College, PSU, BNHS, at St. Vincent School, sa tulong ng Municipal Tourism, Information, at Cultural Affairs Office.
Simula pa noong 1990s, si G. Ferrer at kanyang pamilya ay nadodonate na taun-taon ng mga libro, office supply, at iba pang kagamitan sa kanilang mga kababayan, partikular na sa public at private elementary schools, kabilang ang SVCS, BNHS, at PSU; Municipal Library; at iba pa. (RSO; MTICAO)




